COA bubusalan vs random inspection sa Pasay City

LAST Friday ay namataan ng ating mga gumagalang ‘impormante’ ang grupo nina Pasay City Vice Mayor Marlon PESEBRE sa isang secret meeting  sa Hong Kong Chef Restaurant, kasama ang ilang City Councillor nito.

Ano nga ba ‘yung secret meeting ng grupong ito ni VM Pesebre?

Tungkol ito sa ‘lagayan blues’ na gagawin nila para sa Commission on Audit-(COA) upang mapigil ang ginagawang ‘random inspection’ ng komisyon.

Ayon sa ating source, hinihingian daw ni Pasay City Mayor Tony Calixto ang mga konsehal ng tig-P100K  at P1M naman kay VM Pesebre at kay Calixto ay P3M daw para sa gagawin nilang pansuhol sa mga mag-aaudit sa Pasay .

Alam ba ninyo kung sino ang kausap-usap ng mga taga-COA para sa ‘lagayan blues’?

Ewan ko lang kung totoo na si Kon. Rey Padua ang siyang tumatayong middleman ng mga taga-COA.

Kung totoo ang impormasyon nating ‘yan ay dapat na pagpaliwanagin ng mga kinauukulan ang mga lingkod-bayan na ito ng Pasay at COA dahil sa ‘lagayan blues’ ang involved dito.

Nakamanman ang madlang pipol ng Pasay City!!

COLLECTOR SA CIDG ‘DI MATIBAG-TIBAG

PATULOY umano ang ginagawang pangongolekta sa mga vice at iba pa ni SPO1 Jun Osias ng CIDG-Cavite-Sector sa lalawigan.

Simula raw nang maging pulis ng Cavite si Osias ay wala na raw ginawa ang mamang pulis na ito kundi ang umikot at mangolekta ng weekly  I.N.T. sa mga iligalista sa Cavite.

Ibang klase pulis itong si Osias dahil binibili niya ang puwesto nang tong-collector kung sinomang mauupong opisyal ng CIDG .

Si Maj. Rey Magdaluyo ang amo daw ni Osias kaya hindi siya matatanggal.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply