Coco sobrang na-trauma kay Maja!

ISA sa nilalang na may pinakamasayang Pasko ay walang iba kundi si Coco Martin.

Naging masuwerte ang karera ni Coco this year. Kaliwa’t kanan ang kaniyang projects at ganun din ang mga recognitions na kaniyang tinanggap sa taong 2011.

After ng kaniyang “Minsan Lang Kita Iibigin,” naging bisi ang aktor sa kaniyang mga shows abroad at nitong kaniyang pagbabalik sa bansa after Kapamilya tours sa USA at sa Guam, isang pelikula ang salubong sa kaniya ng Star Cinema, ang pagbibidahan nila ng Star Power grand winner, Angeline Quinto.

Early next year, uumpisahan na rin nito ang isang project with Judy Ann Santos  at  masasabing papunta na si Coco sa level ng kapuwa-aktor like John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

Kaliwa’t kanan din ang ini-endorsong produkto ni Coco, from shampoo to coffee ka- ya’t makatuwirang nag-give back ito ng blessings sa mga dumalong media noong araw na nagpatawag ito ng prescon.

Admittedly, he’s loveless at katuwiran ng aktor, wala itong panahon sa ngayon sa  lovelife. Kung sa sarili daw ay napapabayaan niya ang dapat gawin, idagdag pa ang lovelife? Tama naman si Coco rito!

Kaya, kahit araw-arawin ni Angeline Quinto ang kantang Kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang si Coco Martin, it would literally fall in deaf ears?

O di kaya, sobrang na-trauma si Coco sa involvement nito with Maja Salvador and Matteo Guidicelli love angle kaya’t hinay-hinay muna siya.

***

HAPING-HAPI ang bumubuo ng “Praybeyt Benjamin,” dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagtala ang isang lokal na pelikula ng mahigit sa P300 milyon na kabuuang kita. Kumbaga, tubong-lugaw dito ang Star Cinema at Viva Films na nagsanib-puwersa para  mabuo ang nasabing project.

Kung tutuusin, malinis na P50-M lang naman ang puhunan ng PB, hindi na kasi kailangan pa ang magarbong lokasyon, sa may Marikina Boystown lamang halos binuo ang pelikula ni Direk Wenn Deramas with Vice Ganda as the major star.

Dahil nga sa tagumpay ng project, nais sundan ng same group ang init ng kasikatan ni Vice. Kumbaga, “strike while the iron is hot!”? Kaya sa isinagawang victory party ng PB, binuo na rin ang ideya na gagawa sila ng part 2 ng PB starting February next year.

Ito ang masasabi nating return-of-investments na walang kahirap-hirap. Ikaw na ang maging kasing-ganda ni Vice!

***

Plano ni Vice Ganda na sa sequel ng Praybeyt Benjamin, isama ang ilang child wonders ng Kapamilya stars gaya nina Xyriel Manabat of the famed, “100 Days To Heaven,” na nagtapos na recently. Balak ding isama si Zaijan Jaranilla ng Noah at si Mutya.

Nais kasi ng produksiyon na masakop ang batang audience at hindi pulos kabaklaan  ang tema ng istorya kapag si Vice ang bida. Kasi nga’y kung laging kabaklaan ang  mapanonood kay Vice, hanggang kailan ang saturation point nang pagiging isang bakla ang maihahatid nila sa mga viewers?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply