Coed natagpuang patay

NATAGPUAN kaninang umaga ang bangkay ng third year student ng Bicol University na posibleng ginahasa bago pinatay ng di kilalang salarin.

Batay sa nakalap na report, ang biktima na kinilala lamang sa alyas na “Apple,” 19, ay natagpuan ng kanyang tiyuhin dakong alas-5:30 ng umaga may 10 metro ang layo mula sa kanilang bahay na hinihilang pinalo sa mukha, nakababa ang panloob na saplot at nakahandusay na walang buhay.

Nabatid na ang biktima ay nagpaalam sa kanyang ina na magpupunta sa kanya tiyahin dakong alas-6:00 ng gabi pero nabalisa ang kanyang magulang nang hindi pa ito nagbabalik sa kanilang bahay bandang alas-9:00 ng gabi.

Ayon sa tiyahin ng dalaga, inihatid pa niya ang biktima palabas ng bahay at inakalang nakauwi na ito ng bahay.

Ayon sa pulisya posibleng inabangan ito ng suspek at pinalo sa mukha kaya hindi nagawang makasigaw bago hinalay.

Sa kasalukyan, iniimbestigahan pa ng awtoridad kung may kaugnayan sa krimen ang stepfather ng dalaga o ang manliligaw sa ginawang pamamaslang sa biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply