Cogie aminadong gumulo ang buhay

SA TEASER pa lang ng bagong soap ni Cogie Domingo sa TV5, ipinakilalang Viva na ang may hawak ng kanyang career at nangangako siyang pag-iigihan na niya talaga ngayon.

Aminado ang aktor na dumating siya talaga sa point na naging magulo ang takbo ng buhay niya.

“Gulung-gulo yung isip ko at maraming… ayoko na ring banggitin kasi masyadong personal pero at least ngayon naayos na lahat.

“Yung sa personal life ko, na at least ngayon masasabi ko na kailangan ko lang palang magsolo, kailangan ko lang hanapin ang sarili ko.”

Hindi iniwasan ni Cogie nang itanong namin ang isyu ng pagsusugal niya at drugs.

“Ang paglalaro wala na, wala na yun.

“Ang drugs matagal na. Dati nasubukan ko, ganun-ganun.

“Siguro na-hook ako for a while, sa laro ha, hindi yung drugs.”

Ang drugs hindi daw siya na-hook, sinubukan lang niya.

“Oo.”

Ang paglalaro ang medyo matagal.

“Oo, for a while kasi mga ano e, mga barkada mo, lahat ganun ang ginagawa. Iyon ang sinasabi ko e, pag inalis mo, pag in-eliminate mo lahat ng mga bad habits na… saan ba nanggaling ito?

“Nakikita ko sa barkada ko. kahit na okay sila, mababait. Pero iyon talaga yung ano e, gawain nila.”

Umiwas na daw siya sa mga ganung barkada.

“Talagang wala, wala ng barkada.”

What made him decide?

“Makikita mo run e, kasi pagka iniwasan mo na silang lahat, kung sino yung bumabalik sa iyo, mapipili mo nang isa-isa kung sino talaga yung sincere na kaibigan mo talaga.”

Sino sa mga artista ang nami-miss niya sa GMA-7?

“Nakaka-miss din si Shine ( Sunshine Dizon) dahil iba rin yung pinagsamahan namin. Parang kapatid ko yun, e. Hindi ko talagang nakitang… alam mo yun? Kahit loveteam-loveteam parang kapatid ko yun e. Solid!”

May balitang baka lumipat si Sunshine sa TV5.

“Ah talaga? Hindi ko pa nababalitaan. Sana lumipat si Shine. Ang laking bagay rin nun. Ang ano niya sa tao, ang lakas ng pull niya sa mga tao. Kahit sa mga reporters, kahit sa mga actors. At mahusay siyang artista, nakadadala kumbaga.”

Nang pumirma ba si Cogie sa TV5, hindi ba siya nag-demand na bigyan siya ng matinding role at malaking project?

“Hindi, wala akong hininging ganun. I mean natuwa ako sa in-offer nilang (trabaho). Sinabi nila, ‘Ganito gagawin sa yo’. Naano ako, natulala ako for a while!

“Kumbaga okay ah, nakaplan-out na yung buong gagawin sa iyo, ganun. Cool! Para sa akin biglang… eye-opener yun. Ito na siguro inaantay ko. Parang ganun ang dating kaya sabi ko I don’t have to think twice, talagang iba na ito. Why not di ba?”

Mina-manage ng Viva si Cogie at ngayon ay mapapanood sa pinakabagong primetime drama serye ng TV5 na nagsimula na kahapon, Lunes, November 21.

Pinagbibidahan ito nina Dina Bonnevie at Gabby Concepcion. Kasama rin sa cast sina Alex Gonzaga, Kean Cipriano, AJ Muhlach b, at Nadine Ilustre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply