Col. Rosauro Aceo gisiinggg!

PAKIWARI natin, may krisis o malaking problema ang pamunuan ni Batangas Provincial Police Office Director Senior Superintendent Rosauro Aceo.

Ang krisis at problema na binabanggit natin ay ang kawalan ng liderato ni Col. Aceo na
aksiyunan ang reklamo ng mga Batangueño.

Batid ng lahat na ang pulisya ay tagapamayapa. Sila’y mga ‘anino’ at ‘sugo’ natin  sa pagpapatupad sa mga umiiral na batas ng bansa.

Sa madali’t sabi, sila’y nariyan para pangalagaan ang tama at labanan ang maling gawain
na ‘di naayon sa itinatadhana ng batas.

Dahil sa nasasaksihang mali sa lipunan, tungkulin ng kapulisan na aksyunan ang reklamo o sumbong nina Mang Juan at Aling Maria.

Nakahihiya pero ito ang  nangyayari sa pamunuan ni Col. Aceo – sila’y ‘di marunong umaksyon sa reklamo ng sambayanan.

At yan ang ating dahilan kung bakit sinasabi  nating may krisis o malaking problema ang kasalukuyang liderato ni Col. Aceo.

Kung ang kapulisan ay ‘di na-aaksiyunan ang mga inirereklamo at isinusumbong na kamalian, may problema ang liderato, di po ba?

Halimbawa’y ang idinaraing ng mga magulang na operasyon ng video karera sa Lipa City, Batangas na ‘di inaaksiyunan ni Col. Aceo.

Ayon sa mga galit nang magulang, imbes na mag-aral ang kanilang mga anak ay nalululong na sa paglalaro ng video-karera games.

Kung bakit ba naman sa malapit pa sa mga eskuwelahan nakalagay ang mga vk machine ng operator na si ‘Toper Javier.’

Bukod sa operasyon ng vk, lantaran din daw ang tayaan ng Small Town Lottery bookies na
ang financier naman ay isang ‘Carling’ at ‘Mendoza.’

May naulinigan pa tayong ulat na balak ng mga magulang at residente ng Lipa City na mag-rally sa opisina ni Gov. Vilma Santos – Recto.

Aba’y talaga namang nabuwisit na raw sila sa kawalan ng aksiyon ni Col. Aceo na pahintuin ang iligal na sugal sa lungsod ni Mayor Meynardo Sabili.

Col. Rrosauro Aceo…sir… aba’y magkaroon ka naman ng ulirat. Tila mahaba na ang iyong pagkakahimbing…gisinggggggg.

Alaeeee‘di lang pala sa Lipa City nagkalat ang sugal, namamayagpag din daw sa marami pang bayan at lungsod ng Batangas. Naalala ko tuloy ang all-out order ni Philippine National Police Director General Nick Bartolome na ‘one-strike-po-licy’ sa lahat ng mga police commander na may operasyon ng sugal.

Utos na ‘di naman naisasakatuparan. Ngekkkkk.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply