Colorum vehicles sa malls, target ng LTFRB

TARGET ngayon ng mga elemento ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang paghuli sa mga kolorum vehicles na nasa loob ng malls particular sa Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Manuel Iway, boardmember ng LTFRB, hindi pinapayagan ng ahensiya ang mga colorum at out of lane na sasakyan na maghatid sundo sa mga pasahero sa malls tulad ng mga van.

“May mga report sa amin na karamihan sa mga van na nasa loob ng malls ay colorum o walang prangkisa mula sa LTFRB at ang iba naman ay pumipila sa loob ng malls pero hindi AUV express ang prangkisa kundi school bus, truck for hire na hindi nila linya ang malls kaya dapat silang alisin,” pahayag ni Iway.

Sinabi ni Iway na kailangan munang kumuha ng prangkisa sa LTFRB  ang mga vans na nasa loob ng mga malls dahil nagsasakay ito ng mga pasahero.

Anya, kapag nasangkot sa aksidente ang mga colorum na sasakyan, walang makukuhang anumang proteksiyon sa mga pasahero kahit sa insurance dahil wala itong permiso na magsakay ng mga pasahero patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Sinasabing halos lahat ng mga van na nasa SM malls ay inooperate ng isang Doña Buding na umuupa ng P20,000 kada buwan sa bawat ruta ng sasakyan. Kada mall ay may halos 10 ruta si Doña Buding o may mahigit 100 unit ng van kada SM mall. Sinisingil naman nito ng P70,000 hanggang  P80,000 bawat van. May butaw na P30.00 ang bawat pasada ng isang van sa kada araw.

Ayon naman sa pamunuan ng SM malls, hindi nila alam na colorum ang ibang mga unit ng pampasaherong sasakyan sa kanilang malls dahil binabayaran naman sila ni Doña Buding buwan-buwan.

Niliwanag naman ni Iway na hindi nila pinakikialaman ang sistema ng pamamamalakad ng malls sa bansa lalo na sa Metro Manila sa vans at iba pang pampasaherong sasakyan na nasa loob ng mall, pero ang mahalaga ay isa legal ang mga sasakyan upang ganap na maprotektahan ang kapakanan ng publiko partikular ng riding public.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply