Comelec kinatigan ang house arrest kay GMA

IREREKOMENDA ng Commission on Elections (Comelec) na maikulong si dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo sa bahay na kontrolado ng gobyerno.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na na papayag sila sa hirit na house arrest ni Arroyo pero hindi sa sarili nitong bahay kundi sa isang bahay na kontrolado pa rin ng gobyerno habang dinidinig ang kanyang kasong electoral sabotage sa Pasay City Regional Trial Court.

Nilinaw ni Brillantes na tututulan nila sa korte ang hirit ni Arroyo na makulong sa sarili nitong bahay na isa umanong uri ng “residence arrest.” Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply