Comelec officer na binoga ng holdaper, iniligtas ng piso

INILIGTAS ng pisong barya ang isang Comelec officer sa kapahamakan makaraang barilin ito ng holdaper sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon sa opisyal na si Marlon Manuel, Comelec officer ng bayan ng Amulung, Cagayan, residente ng Brgy. Leonarda sa syudad, pauwi na siya sa kanilang bahay matapos makipag-inuman sa kaniyang mga kaibigan nang biglang may isang lalaki na lumapit sa kanya at tinutukan siya ng baril sabay deklara ng holdap.

Ayon sa kanya, unang kinuha ng hindi pa nakikilalang suspek ang kaniyang pera na mahigit P5,000 at sinunod ang laptop computer at lisensiya ng baril kung kaya napilitan na siyang manlaban.

Dahil dito, pinaputukan siya ng suspek kung saan tinamaan ang kaniyang kanang binti.

Inakala ng biktimang nasugatan na siya ngunit nang kapain niya ang kaniyang binti ay laking gulat niya nang malaman na ang isang pisong barya ang tinamaan na tumagos naman sa kaniyang pantalon.

Itinuturing niyang isang malaking himala ang nangyari sa kaniya kaya magsisilbing souvenir at paalala sa kanya ang pisong barya na nagligtas sa kaniyang buhay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply