Contempt vs de Lima, ikinasa na ng mga Arroyo

IKINASA na ng kampo ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang contempt charges laban kay Justice Secretary Leila de Lima kaugnay sa hindi pagsunod sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema sa watchlist order (WLO) sa dating first couple.

Sa urgent motion, hiniling ni Attorney Anacleto Diaz sa Supreme Court (SC) na magpalabas ng cease and desist order laban sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI) sa pagpigil ng mga itong makalabas sila ng bansa.

Sa kanyang mosyon, sinabi ng dating pangulo na nakatupad sila sa lahat ng kondisyong hiningi ng Kataas-taasang Hukuman nang mag-isyu ng TRO sa watchlist order laban sa kanilang mag-asawa.

Kabilang dito ang paglalagak ng P2 milyong cash bond, pagtatalaga ng abogadong tatanggap ng mga summon o subpoena ng korte at pagrereport sa mga konsulada ng Pilipinas sa bawat bansang kanilang pupuntahan.

Hiniling din ng kampo ng mga Arroyo sa SC na gawin ang oral argument ng mas maaga sa itinakdang petsa sa Martes ng susunod na linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply