Cook ng barko nanaksak, kalaboso

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang panananaksak ng isang cook ng Panamian cargo vessel sa kanyang kasamahang tripulante dahil sa hindi mabatid na alitan.

Ayon kay Lcdr Algier Ricafrente, tagapagsalita ng PCG, ginagamot na sa La Union Medical Hospital ang sugatang tripulante na si Leowie Villaruel ng M/V Apollo Sar.

Ang suspek na kinilalang si Rodolfo Reyes, Jr., ay nai-tun over naman ng PCG personnel sa Poro Point Police Station, sa San Fernando La Union.

Base sa report, nagmula sa Thailand ang nasabing barko ay patungo sana ng Yokohama, Japan nang maganap ang insidente ng pananaksak.

Nagtungo naman ang PCG at Quarantine personnel sa lugar upang kunin ang biktima at madala sa pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply