Corinthian Liner, Jell Transport tinuluyan na ng DOTC

TULUYAN nang hindi makabibiyahe ang mga bus ng Jell Transport Incorporated at Philippine Corinthian Liner Incorporated matapos na kanselahin ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang kanilang prangkisa.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board o (LTFRB) board member Atty. Manuel Iway, final and executory na ang desisyon ng DOTC sa kabila nang inihaing Motion for Reconsideration (MR) ng dalawang nabanggit na kompanya ng bus.

Maalalang kinansela ang prangkisa ng dalawang linya ng bus at sinuspinde ang iba pa matapos lumahok sa tigil pasada noong Nobyembre 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply