Corona pinag-i-inhibit sa kaso ni GMA

HINILING ni Sen. Franklin Drilon kay Chief Justice Renato Corona na mag-inhibit sa lahat ng kasong may kaugnayan kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nakabinbin ngayon sa Supreme Court.

“In order to erase all doubts, fears and misgiving on the impartiality and independence of the Supreme Court in handling cases involving former President Gloria Macapagal-Arroyo, I am appealing on Chief Justice Renato Corona to inhibit himself from these proceedings,” ayon kay Drilon sa ginanap na Kapihan sa Senado nitong Huwebes.

Ayon kay Drilon, may apat siyang dahilan kung bakit dapat mag-inhibit si Corona sa deliberasyon ng mga kasong nakabinbin sa Supreme Court na may kaugnayan kay Arroyo partikular ang pagiging malapit nito sa dating chief executive.

Una, ani ni Drilon na nagsilbi si Corona bilang chief of staff ni dating bise presidente Arroyo at tagapagsalita nito na isang posisyon na nangangailangan ng partisan politics.

Pangalawa nalalaman aniya ng karamihan na isang midnight appointee ni Arroyo si Corona noong Mayo 2010 kaya nararapat itong mag-inhibit.

Binanggit din ni Drilon na may ulat sa media na may personal na alitan sina Pangulong Benigno Aquino III at Corona matapos tablahin siya ng kasalukuyang Presidente na mapanumpa siya nang manungkulan sa poder.

Tinukoy pa ni Drilon na base sa paghalukay sa pagkilos ni Corona, natuklasan na kahit minsan hindi bomoto si Corona na kontra kay Arroyo sa lahat ng kasong inihain sa Supreme Court.

“I submit that like Caesar’s wife, the Supreme Court, as well as the chief justice, must be beyond any suspicion on its objectivity and impartiality,” ayon kay Drilon.

Naniniwala si Drilon na kapag nag-inhibit si Corona sa mga deliberasyon ng kasong may kaugnayan kay Arroyo, mabubura ang pagdududa at mapapalakas ang demokratikong institusiyon sa ating bansa.

“Chief Justice Corona’s voluntary inhibition from all cases involving former president Arroyo will certainly erase all those doubts and will eventually strengthen our democratic institutions during these trying times,” patapos ni Drilon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply