Courier mail gamit ng pusher sa pagtutulak ng droga

NASABAT ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isa’t kalahating kilo ng shabu na tinangkang ipuslit  sa isang courier service sa Cagayan de Oro City Lunes ng gabi (Nobyembre 21).

Kinilala ni PDEADirector General Jose Gutierrez, Jr., ang consignee na si Sammy Yusop, 38-anyos, na naaresto ng PDEA drug operatives sa isang prominenteng courier service center sa nasabing siyudad.

Nag-igting ang pagdakip sa suspek nang malamang may presensya ng hinihinalang illegal drugs sa loob ng 20-inch television-package mula sa isang Lea Ledesma na patungong Cagayan de Oro City.

Nakatulong din ang dalawang PDEA K9s sa pagdiskubre ng droga sa pamamagitan ng pag-amoy sa naturang bagahe.

Dahil sa tawag ng tungkulin, nakipag-koordinasyon agad ang PDEA, sa Police Center for Aviation Security of the Philippine National Police, at ikinasa ang pagkontrol sa delivery operation para makilala at mahuli ang tatanggap ng bagahe.

Sa mas malalim pang background check, natuklasan na si Yusop ay kapatid ni Kairama Yusop na naaresto ng PDEA RO10 nitong Setyembre 26, 2011 sa ikinasang buy-bust operation sa Valencia City, Bukidnon.

Ang mag-utol na Yusop ay kilalang supplier ng shabu sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply