Courtesy call ni Pacman kay PNoy, malabo pa

HINDI pa sigurado kung magkakaroon ng courtesy call ang Filipino boxing champion at Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao kay Pangulong Benigno Aquino III sa pagbabalik ng una sa  bansa sa Nobyembre 25, 2011.

“We will have to coordinate with them. I understand that is standard procedure but I will have to check po if the Pacquiao camp has contacted us for any arrangements,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Samantala, pinandigan naman ng Malakanyang na nanalo talaga si Pacquiao kay Marquez.

Tugon ito ni Usec. Valte sa patuloy na pagkuwestiyon ng mga kritiko sa Pambansang Kamao kaugnay sa kontrobersiyal na pagkapanalo kay Marquez.

Taas-noo ring sinabi ni Pangulong Aquino na hindi siya taob kay Pacquiao kung kapangyarihan ang pag-uusapan.

Ito ang buweltang tugon ng Chief Executive sa naging panayam ng CNN kay coach Freddie Roach na sa tingin nito ay mas “powerful” na si Pacman kumpara sa Pangulo ng Pilipinas.

Aminado ang Pangulong Aquino na posibleng sa boksing ay malaki talaga ang tsansa na lamang sa kanya si Pacquiao subalit sa pagiging lider ng bansa ay malabo aniyang mangyari iyon.

Subalit, sinabi nito na hindi naman masama ang kanyang loob kay Roach na nagsanay hanggang maabot ni Pacman ang rurok ng tagumpay.

Sa katunayan ay dapat pa nga aniyang pasalamatan daw si Roach dahil sa kanyang ginawa kay Pacquiao na “pride” ngayon ng buong Pilipinas.

Samantala, ayaw na ring palakihin ng Pangulo ang naging pahayag ni Pacman na “best country” sa mundo ang Estados Unidos.

“If that were the case, I guess he would be residing here but he sees so much potential also in the Philippines, and he has been championing a lot of causes that we have also championed and he has also been helping us address the hills that he and I, and all of us have inherited,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply