Cristine Reyes, Rayver Cruz inaayos na ang kasal

MARAMI ang nagsasabing sa super sweet na ipinakikita ng magsyotang sina Cristine Reyes at Rayver Cruz, kasal na lang daw ang kulang sa dalawa. Sabagay, open na open naman ang dalawa sa publiko na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa at bukod pa dito ay tanggap pa silang dalawa ng kanya-kanyang pamilya kung kaya malayang nakapupunta sa bahay ang bawat isa. Sa ganda ng tinatakbo ng karir ngayon ni Cristine, at masasabi na rin natin na nasa peak of her showbiz career na rin naman siya, hindi kaya isang araw ay maisipan nilang dalawa ni Rayver na magpakasal na? I’m sure hindi makatatanggi niyan si Cristine, open naman kasi siya sa pagsasabi sa lahat na kung mag-aasawa rin lang naman daw siya, si Rayver na raw ang lalakeng gusto niyang makasama habang buhay.

Sa isang panayam, masayang nasabi ni Cristine na siguradong hindi siya papayagan ng kanyang ate na si Ara Mina na pakasal agad sa in the near future, una nga naman kasi ay maganda ang takbo ng kanyang karir at pangalawa ay malamang hindi papayag si Ara na maunahan pa siyang pakasal ng nakababatang kapatid na babae pero hindi itinanggi ni Cristine na napag-uusapan nila ng boypren ang bagay na may kinalaman sa pagpapakasal. At tsikang five years from now pa rw ang plano ng dalawa na magpa-kasal.

***

MASAYA sa naging desisyon niya si Nina Jose sa ginawa niyang paglayas sa bakuran ng ABS-CBN kung saan ay madalang pa sa patak ng ulan ang kanyang mga ginagawa.

Sa bago niyang mother network, ang TV5, dalawa agad ang kinabibilangan niyang shows. Una na rito ang show nina Vic Sotto, Wally Bayola at Jose Manalo na mapapanood tuwing Sabado ng gabi at isinalang din si Nina sa unang episode ng isang horror serye kung saan siya ang leading lady ni Gabby Concepcion.

Magkagayunpaman, kahit pa inuulan ng mga blessings si Nina ay andun pa rin ang malaking pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil dito siya nakilala ng masa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply