Customs Intelligence Officer escort ni Ramona sa NAIA

NATUKOY na rin ang nagsilbing escort ni Ramona Bautista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong umalis ito patungong Hong Kong noong nakaraang linggo.

Nabatid sa ginawang salaysay ng mga airport personnel, isang Customs Intelligence Officer na kinilala lamang sa pangalang Lester ang siyang sumundo at sumama kay Ramona hanggang sa mag-check in ito.

Base sa pahayag ng mga personnel, mayroon umanong ID (indentification) ng Bureau of Customs si Lester at mayroong access sa Terminal 1.

Nakatakdang ipatawag ngayong araw ng Manila International Airport Authority (MIAA) si Lester upang maimbestigahan.

Mariin namang itinanggi ng Customs at sinabing hindi nila kinikilala na isang opisyal ng Customs si Lester at kanila ring kinukwestyon ang pagkakaroon nito ng ID ng ahensya.

Customs Intelligence Officer escort ni Ramona sa NAIA
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply