Customs pumuntos vs software smuggling

MALAKING dagok sa mga ismagler ng mga makabagong teknolohiya ang pagkakasabat at tuluyang pagkumpiska sa may 18,000 units ng de-kalidad na anti-virus software na nagkakahalaga ng P36 milyon dahil sa misdeclaration, undervaluation at illegal importation ng mga ito.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, ang Russian brand Kaspersky Internet Security 2012 software na dumating sa  Manila International Container Port (MICP) sakay ng isang container noong Nobyembre 5, 2011, ay natiktikan sa X-Ray division ng ahensiya.

Ang consignee ng anti-virus system na Plinth Enterprises na may office address sa Trinity Bldg., Kalaw St., Ermita Manila, ay itinago ang anti-virus software units bilang ordinaryong CD Kit cleaners at CD plastic cases na may declared value na US$ 7.095.70 (P305,115.10) na sa merkado ay aabot sa P599, 528.12 ang halaga nito.

Wala ring import permit ang nasabing kargamento na manggagaling sa Optical Media Board maliban pa sa violation nitong misdeclaration at undervaluation  sa ilalim ng Tariff and Customs Code of the Philippines.

Hinahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa nabanggit na consignee ng Run After The Smugglers habang nagalak naman ang Executive Director ng Optical Media Board na si Ronnie Ricketts sa pagsisikap ng Bureau of Customs na matuldukan ang cyber smuggling sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply