Daang matuwid baluktot na landas?

ANG political platform na ginamit ni Pangulong Noynoy Aquino ay ang slogan na “Daang Matuwid.” Sa lahat ng kanyang talumpati lagi mo itong maririnig noong panahon ng kampanya, Daang Matuwid upang idiretso ang baluktot na pamamaraan sa gobyerno.

Ang kaso mo, nang maupo ang Noynoy, yung daang matuwid biglang nagkaroon ng isang malaking defect, nakalimutan nilang ilatag kung saan patungo yung daang matuwid.

Ngayon, lumalabas na dahil dito, ang ating bansa na tumatahak sa daang matuwid ay diretsong ba-bagsak sa banging malalim.

PALAAWAY

Sa simula pa lang, ni hindi pa nananalong Pangulo, nang-away na ng constitutionally

mandated officers na may security of tenure tulad ng dating AFP Chief of Staff na si General Delfin Bangit.

Dapat daw itong lumayas sa puwesto dahil appointee siya ng dating Pangulo. Ang CS-AFP ay may tenure na apat na taon o mas maikli depende sa araw ng kanyang retirement.

Pag-upong pag-upo, inupakan at inaway si Chief Justice Renato Corona. Hindi rin daw dapat tauhan ni Arroyo ang chief justice kundi ang gusto niyang iupo.

Wala pang ilang linggo, tinira naman ang Ombudsman na si Merceditas Gutierrez na wala raw nagawa at dapat umalis na. Umabot pa sa impeach-ment ang kaso ni Gutierrez.

‘Yung mga alipores tuloy niya, sinunod-sunod ang mga tauhan sa ilalim nila na pinagsuspetsahang dating GMA loyalist. Sobrang dami ng mga inosenteng career employees ang naperwisyo ng daang matuwid niya.

KON-SUHOL-TANT

Ngayon, umaabot na sa panlasa ng Free Spits, na yung mga pinagsisibak na mga government consultants ay napapalitan unti-unti. P25,000 ang bayad sa bawat consultant po ang dinig natin.

Sa PAGCOR na lamang, anim na mga media personalities ang nakaupo ngayon bilang media consultant. Wala silang ginagawa doon, hindi nagrereport at lalong walang output.

Sila yung pumalit sa pinag-aalis na media consultants ni Congresswoman Gloria Arroyo.

Sa NAIA, nalasahan din ng Free Spits na meron na ring mga consultant for public affairs. Isa na rito ang kababata kong si Dennis Baldivia o mas kilala sa tawag na Dennis Padilla.

Sa mga Government-owned Financial Institutions o GFI’s ay nagsimula na rin ang mga appointment ng mga consultant, maliban pa ito sa pagtalaga sa mga Kabarkada, Kaklase, Kabarilan o Kamag-anak bilang mga board member.

MALALIM ANG BANGIN

Nakatatakot ang kasalukuyang pamunuan kasi wala silang takot o respeto sa batas at mamamayan. Lagi silang nakasandal sa paniniwalang popular leadership sila at hindi sila magagalaw dahil suportado sila ng sambayanan.

Pero mag-isip po tayo dahil yung pamunuan ay hindi nag-iisip. Basta salakay na lang ng salakay ng hindi pinag-aaralan ang magiging consequence ng kanilang actions.

Lahat ng linya ay para sa daang matuwid. Pero saan po ba patungo ang daang matuwid, kapag hindi natin ito nasagot, tiyak ang bagsak natin ay sa malalim na bangin.

PAHABOL

Habang sinusulat ko po ito ay nasa Chang Rai, Thailand po tayo para sa test drive ng napakaganda at bagong-bagong Ford Ranger pick-up. Salamat kay Randy Krieger na Presidente ng Ford Group Philippines at Anika Sal-ceda-Wycoco, ang kanyang napakahusay na AVP for Marketing sa pag-imbita sa atin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply