Dagdag benepisyo sa factory at office workers isinusulong

ISANG panukalang batas ang isinulong sa Kamara upang itaaas ang sahod at mabigyan ng karagdagang benepisyo ang mga factory at office workers na layuning itaas din ang kalidad at kalagayan ng kanilang pagtatrabaho.

Sa House Bill No. 5324 na iniakda ni ALE Party-list Rep. Catalina Cabrera Bagasina, layunin nito na itaas ang overtime pay, holiday pay at maternity leave benefits. Layunin din ng panukala na amiyendahan ang Book III ng Presidential Decree 442, o ang Labor Code of the Philippines.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng karapatang pumili ang mga factory at office worker na magtrabaho ng full time o part time.

Sinasaad din sa panukala na babayaran ang night shift deferential mula 10-30% ng regular wage sa bawat oras na trinabaho sa pagitan ng 8:00 ng gabi at 6:00 ng umaga.

Ang nagtrabaho ng over time o lagpas ng walong oras kada araw ay babayaran katumbas ng kanilang regular wage na may karagdagang 30% sa regular wage. Kung nagtrabaho ng holiday o rest day, may karagdagan itong kabayaran katumbas ng rate sa unang walong oras sa holiday o rest day at dagdag na 50% additional compensation.

“Dapat lamang na itaas ang sahod ng mga laborers at employees dahil na rin sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin at pagtaas ng rate of living standards,” sabi ni Bagasina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply