Dagdag budget ihihirit para sa kulungan ni GMA

HIHILING ng karagdagang pondo ang Southern Police District (SPD)  para sa pagkukumpuni sa dating media lounge na posibleng gawing detention facility ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa isang opisyal ng SPD, hiniling na nila sa pamunuan ng  Philippine National Police (PNP) ang dagdag na pondo na gagamitin sa pagsasaayos sa silid dahil kailangang malagyan ito ng sariling palikuran.

Posible rin anilang maglagay sila ng extension sa labas na magsisilbing receiving area.

Hindi kalakihan ang pasilidad na may kuwartong matutulugan at may maliit na sala para sa mga bisita.

Sa susunod na linggo ay bibisitahin ng mga kinatawan ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang pasilidad upang matiyak kung sapat at karapat-dapat bang ipiit dito ang dating pangulo ng bansa bago maglabas ng desisyon kung saan ikukulong ang dating Pangulo habang dinidinig ang kanyang kasong electoral sabotage.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply