Dahil di na tumitigil sa katatalak: Ted Failon padadalhan ng lolipop ng fans ni Claire dela Fuente

NATAWA na lang kaming bigla sa ilang mensaheng aming tinanggap sa aming cellphone mula sa mga fans ni Claire dela Fuente na balak daw padalhan ng lollipop na Chupa Chupa Chups itong si Ted Failon dahil wala na raw itong ginawa kundi talakan o tirahin sa radio program nito tuwing umaga sa DZMM Teleradyo ang idolo nilang famous diva/talent manager. Nakakabuwisit na raw talaga itong si Ka Ted dahil wala namang atraso si Claire sa kanya pero ayaw talaga niyang tantanan ang singer.

Kaya isang kahon daw na Chupa Chupa Chups ang ipade-deliever sa kanya ng mga supporter ni Claire diyan sa ABS-CBN para during break time ay may pagkaabalahan naman daw itong sumipsip ng pagkasarap-sarap na lollilop.

May tanong pa ang mga ito kung ano raw ba talaga ang motibo ni Ted sa idol nila at tila umu-over acting na ito at lumalagpas na sa kung tawagin ay Freedom of the Press. Tanggap naman daw ni Ms. Claire ang mga “criticisms” na ‘yan pero ang insultuhin at tapak-tapakan nito ang kanyang pagkatao ay sobra na!

Dahil dito, pinag-iisipan daw ni Claire na sampahan ng kasong libel ang nasabing broadcaster/TV anchor. Patuloy raw kasing ginagamit nito ang kanyang programa para makapanira lang ng kanyang kapuwa. Paging Mr. Peter Rabbit, ang tsalap-tsalap nang lollipop gyud bow!

***

Billboard ni Danita Paner pinag-aawayan ng dating mag-amigang Annabelle Rama, Daisy Romualdez

PAREHONG nananahimik ang dating mag-amigang Annabelle Rama at Daisy Romualdez sa gap nila na kalat na sa buong showbiz.

Pero ayon pa sa aming impormante ay nag-dialogue raw itong si Mama Daisy patungkol kay Tita Annabelle na hindi siya palengkera at di desperada! Ano kaya ang masasabi dito ni Bisaya?

Kay Mama Dai pa rin, maliban diumano sa 10% commission na hindi binibigay sa kanya ni Annabelle ay nagkaroon raw ng pagtatalo ang dalawa dahil sa ayaw payagan ni Bisaya na ituloy nito ang na-deal sanang billborad para sa anak na si Danita Paner. Matagal na raw kasing pangarap ni Tita Daisy na makita si Danita sa isang billboard, bagay na tinutulan nga ng ex-bestfriend niyang si Mama Annabelle dahil hindi siya nagpaalam dito gayung ito ang manager ni Danita.

Hay naku! Isa lang ang aming masasabi rito, pasasaan ba’t magkakabati rin ang dalawang ito lalo pa’t super tagal na ng kanilang mga pinagsamahan. Kaya roon sa mga umaasa na may giyerang mangyayari sa pagitan ng mga ito ay kami na mismo ang nagsasabing tila mabibigo kayo mga Kafatid! Korek na korek gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply