Dahil sa aso, PAF utas sa sekyu ni mayor

DAHIL sa aso ay napatay ng security escort ng Cavite town mayor ang isang kagawad ng Philippine Air Force (PAF) sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report na nakarating sa Camp crame, napatay sa pamamaril si Airman 2nd Class Jomon Articulo, 25, miyembro ng 733rd Squadron ng Philippine Airforce habang sugatan naman ang suspek na si Allan Ernie Humarang, 34.

Nabatid na bago nalagutan ng hininga si Articulo ay pinagtangkaan niyang tangayin sa kamatayan si Humarang, security escort ni Mayor Melencio Sagun ng Trece Martirez.

Naganap ang kaharasan kaninang hatinggabi sa Sitio Parola, Barangay Wawa, Nasugbu Batangas.

Napag-alaman na kapwa nakasibilyan ang dalawa at bibili sana ng hamburger si Articulo kasama ang dalawang iba pa na miyembro rin ng Air Force na sina Airman 2nd Class Perez at Reyes nang sipain ni Ernie ang alagang aso ng sundalo.

Nang sitahin ang suspek ay nauwi sa pagtatalo ang bangayan ng dalawa hanggang paputukan ng suspek ang biktima gamit ang bitbit na shotgun.

Bago nalagutan ng hininga ay naagaw pa ng PAF ang baril ng sundalo kaya nabaril din ito na ginagamot pa sa Madonna Hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply