Dahil sa sakit: GMA iniiiwas na sa problema

INAMIN ngayon ni Minority Leader Edcel Lagman na iniiwas na sa mga problema si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Inihayag ito matapos dumalaw ang may 20 miyembro ng oposisyon kay GMA sa St. Luke’s Hospital kasama ang mga dating miyembro ng gabinete nito.

Pag-amin nina Lagman at Deputy Minority Leader Danilo Suarez, hindi nila pinag-uusapan at iniiwasan nilang ungkatin ang problema na kinakaharap ng dating pangulo upang hindi na makadagdag pa sa bigat na nararamdaman nito ngayon.

Sinabi ni Suarez na hindi rin emosyonal si GMA ngunit makikitang malungkot ito sa kanyang kalagayan ngayon.

Ayon kina Lagman at Suarez, hindi marapat na pagkumparahin sina GMA at dating pangulong Erap Estrada.

Si Erap anila ay malakas nang ito ay mabilanggo samantalang si GMA ay nasa maselang kalagayan ngayon.

Kasabay nito ay nanawagan naman si Siquijor Rep. Orlando Fua na itigil na ang pagpapa-resign kay GMA dahil insulto aniya ito sa umiiral na inter-parliamentary courtesy na dapat igalang.

Aniya, sa harap ng maselang medical condition ni CGMA, hindi naman ito nagpabaya sa tungkulin at natutugunan din ang mga pangangailangan ng kaniyang mga nasasakupan.

Maging si Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino na dating kaalyado ni GMA ay nagsabing binabalak na rin ng ilang mga kongresistang kaalyado man o hindi ang dumalaw sa dating pangulo bilang kortusiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply