Dahil sa selos, mister kinatay ng kapitbahay

PATAY ang isang mister nang pagsasaksakin ng nagseselos na kapitbahay sa hinalang karelasyon nito ang kanyang misis sa bayan ng Luina, La Union sa ulat ng pulisya.

Sa police report, dead on the spot si Fausto Gonzales na ilang ulit sinaksak sa harap pa mismo ng kanyang mga anak sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Suyo, Munipality.

Sa report na natanggap ng La Union Provincial Police Office mula sa Luna PNP, habang kumakain ng hapunan ang mister kasama ang apat nitong anak ay bigla na lamang pumasok ang kanilang kapitbahay na si Antonio Geron at ilang ulit na sinaksak ang biktima.

Agad namang tumakas ang salarin matapos maisagawa ang krimen.

Samantala, nabatid sa kaanak ng biktima na selos umano ang nagtulak sa suspek upang isagawa ang pamamaslang.

Sinasabing naghihinala ang suspek na mayroong relasyon ang misis nito at ang napaslang na biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply