Dakpin si Anthony Belga

ILANG taon na ang nakararaan, dumating sa aking opisina ang isa kong kaibigan – si Eric Ang, kasama ang kapatid na si Johnson Ian.

Sa kanilang pagbisita, naikuwento sa akin ang ginawang pandurugas sa kanila ng isang nagngangalang ‘Anthony Belga.’

Itong si Belga ng Agoo, La Union ay kumuha raw sa kanila ng car accessories and spareparts na nagkakahalaga ng P313,753.45.

Nagbayad naman umano si Belga sa pamamagitan ng 5 BPI checks, pero ang malungkot tumalbog ang  inisyung checks.

Kaya napilitan si Johnson Ian Ang na magsampa ng kasong paglabag sa BP 22 o bouncing checks law laban kay Belga.

Sa ilang beses na pagdinig sa Metropolitan Trial Court Branch 55, itong si Belga ay hindi na sumipot para harapin ang kaso.

Kaya noong Oktobre 18, 2011 – nagpalabas ng warrant of arrest si Judge John Voltaire C. Ventura para sa pagkadarakip ni Belga.

Dapat lang na dakpin na yan ng kapulisan o kaya’y National Bureau of Investiga-tion para panagutan ang ginawang panloloko.

Sa totoo lang, masakit maloko – ang matangayan, madugasan ng malaking halagang salapi na pinaghirapang hanapin.

Sinasabi ko ito dahil tulad nila, ako at ang aking partner ay naloko na rin ng isang napakawalanghiyang estapador na babae.

‘Di lang ako at mga kaibigan kong Ang brothers ang nakaranas na ng panloloko ng nagkalat na mga manloloko sa Pinas.

Ang matitino at lehitimong negosyante – ang nais lang sa buhay ay magtrabaho ng maayos para kumita ng ikabubuhay.

Dapat ay ma-estapa rin si Belga para malaman niya ang sakit ng taong natatakbuhan ng perang pinahirapang kitain.

Suhestiyon natin sa mga magigiting na senador at kongresista, dapat ay palakasin ang batas na may kinalaman sa estafa.

Dahil sa ngayon, dumarami ang estapador na ‘di natatakot sa pinapairal na batas.
Kumbaga, wa-epek ang kasalukuyang batas ng estafa.

Kaya warning din natin sa mga negosyante, mag-ingat kayo dahil baka kayo na ang susunod na bibiktimahin ni Belga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply