Dalaga inatado ng ex-BF sa loob ng traysikel

PATAWIRIN ang buhay ng isang dalaga nang pagsasaksakin ng dating nobyo nito sa Quezon City kaninang umaga.

Isinugod sa Quezon City Genearal Hospital (QCGH) sanhi ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang hindi nakikilalang dalaga na inilarawang nasa 25-27-anyos, 5’4, maputi at balingkinitan ang katawan.

Nahuli naman agad ang suspek na kinilalang si Armando Lopez, 43, ngayon ay nakakulong sa Quezon City Police District station 2 at nakatakdang sampahan ng kaukulang reklamo sa korte.

Sa ulat na nakarating sa QCDP station 2, naganap ang insidente alas 7:30 ng umaga sa kanto ng Roosevelt Avenue at Road D Street, Veterans Village, Project 7.

Ayon kay Virgilio Vargas, bago ang insidente ay sakay niya ang dating magnobyo sa kanyang traysikel pero laking gulat niya nang pagdating sa lugar ay bigla niyang nakitang sinaksak na ng lalaki ang dalaga.

Sa pag-aakalang hinoldap, nagsisigaw si Vargas at humingi ng tulong sa mga naglakad na
kalalakihan.

Bumaba naman agad ang suspek para tumakas pero nagdalawang isip sa takot na makuyog ng taumbayan kaya bumalik sa traysikel ni Vargas at muling sinsaksak ang naturang dalaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply