Dalaga tinodas ng kinakalasang dyowa

PATAY ang isang dalaga matapos pagsasaksakin ng nobyong kakalasan sa Caloocan City kagabi (Nobyembre 24).

Dead on the spot sanhi ng mga saksak si Jennifer Jerodias, 18, ng Galino St., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Jayson Bonza, 20 at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-6:oo gabi, nagtatalo ang biktima at suspek sa loob ng bahay ng dalaga dahil gusto nang makipaghiwalay ni Jerodias.

Nagalit ang suspek at pinagsasaksak ang biktima bago tumakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply