Dalagita kinubabawan ng manyak na bayaw

HUWAG bayaw!

Ito ang pagsusumamo ng isang dalagita habang ginagahasa ng kanyang sariling bayaw sa Brgy. Toledo, Nabas, Aklan, sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, dumulog sa Nabas Municipal Police Station ang 13-anyos na biktima na itinago sa pangalang Jennelyn upang ipagharap ng reklamo ang kanyang bayaw.

Sa salaysay ng biktima, noong Nobyembre 20, ala-1:00 ng madaling-araw ay pinasok siya ng suspek sa loob mismo ng kanyang kwarto at doon puwersahang minolestiya.

Hindi niya umano nagawang makapanlaban at makahingi ng saklolo dahil sa takot sa kanyang bayaw.

Bunsod ng nasabing sumbong ay agad na inaresto ng Nabas PNP ang 30-anyos suspek na hindi muna pinangalanan.

Hiniling naman ng awtoridad na sumailalim muna ang dalagita sa medical examination para tumibay pa ang kanyang inihaing kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>