Dalagita naglason nang palitan ng dyowa

DEDO ang isang dalagita matapos na lumaklak ng lason nang malaman na ipinagpalit na siya sa iba ng kanyang nobyo sa Caloocan City kahapon (Nobyembre 13).

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital si Wennalyn Joson, 16 at taga-Morning Breeze Subd., ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5:45 ng hapon nang makita ng mga kaanak ang biktima na bumubula ang bibig sa loob ng silid habang nasa tabi ang botelya ng silver cleaning solution na naging dahilan upang dalhin sa MCU.

Nabatid pa na nag-text pa sa mga kaklase ang biktima at sinabing hanggang alas-5:00 na lang siya at sila na ang bahala sa kanilang eskuwelahan.

Lumalabas sa pagsisiyasat na nalaman ng biktiima na may kapalit na siya sa kanyang nobyong nakilala lang sa alyas na Jason.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply