Dalagita nilasing saka pinilahan ng 5 senglot

HALINHINANG ginahasa ng limang lalaki ang isang dalagita matapos nilang lasingin at dalhin sa isang abandonadong bahay sa General Santos City sa ulat ng pulisya kanina.

Sa report na nakarating sa Camp Crame Central Operation Command, naganap ang panghahalay sa dalagita na itinago sa pangalang Keri sa isang bahay sa Purok San Miguel, Calumpang, General Santos City.

Lumalabas sa pagsisiyasat na niyaya ng limang suspek na  makipag-inuman sa kanila ang biktima na menor-de-edad.

Nang hindi na makagulapay sa kalasingan ay dinala ng mga suspek sa isang bahay ang dalagita at doon halinhinang ginahasa.

Nabatid na isang barangay opisyal ang nakakita na dinala ng mga suspek ang lasing na dalagita sa lugar kaya agad itong isinumbong sa kinauukulan.

Nahuli sa lugar ang dalawa sa limang suspek na kinilalang sina Jimuel Arneho at Jeffrey Ortiz.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply