Dalagita pila-balde sa 3 manyak na bagets

PINAGPASA-PASAHAN ng tatlong bagets ang katorse-anyos na dalagita sa Misamis Oriental kahapon, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Sa report, pinagtulungang halayin ang biktimang si Jennelyn, sa Barangay Luna, Claveria Misamis Oriental.

Sa salayasay ng biktima, nagkatuwaan silang magsaya at mag-inuman ng isang kaibigan na kanyang dinalaw sa isang videoke bar hanggang sa malasing.

Nang maliyo ay nagpaalam na ang dalagita na uuwi na sa kanilang bahay dahil magmamdaling-araw na.

Lingid sa kanya ay palihim pala siyang sinundan ng tatlong suspek na kinilalang sina Pedring 14, Ondoy, 15 at Ramon 16.

Nang maabutan ay kinaladkad sa madilim na bahagi at puwersahang ginahasa.

Tinangka umanong manlaban ng dalagita subalit dala ng kalasingan ay wala siyang nagawa.

Tulala pa rin ang biktima habang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply