Dalawa pa humabol sa Undas

DALAWANG katao pa ang humabol sa paggunita ng Araw ng mga Patay matapos na pagbabarilin ang mga ito sa magkasunod na oras kaninang umaga sa Port Area, Maynila.

Nabatid sa Manila Plice District-Homicide Section, unang binaril ang biktimang si Joselito Tapin, alyas Dodong, 35 ,tricycle driver at residente ng Blk. 4 ING Habitat for Humanity,Baseco Compound, Port Area, Maynila dakong alas-5:30 kaninang madaling araw.

Sumunod namang binaril dakong alas-6:00 ng umaga ang biktimang si Victor Cobbarubias, taga-Blk. 7 Aplaya, Baseco Compound, ng nabanggit ding lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Amelito Lopez ng Manila Police District-homicide section, nagpaalam si Cobbarubias sa kanyang ka-live-in na si Angeles Guingona na may ire-repair lamang itong sahig sa kanilang kapitbahay.

Apat na bahay pa lamang ang nalalampasan ng biktima, ng marinig ang putok ng baril ni Guingoyon, kasabay noon ay nagsigawan ang kanilang mga kapitbahay at paglabas niya ay nakitang nakasubsob na sa eskenita ang kanyang asawa at wala ng buhay.

Samantala, si Tapin ay nagising naman sa katok sa kanilang pintuan at nang kanya itong buksan ay bigla na lamang siyang pinaputukan ng sumpak sa mukha.

Patuloy namang ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakilanlan ng mga suspek na tumakas matapos ang pamamaril sa mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply