Dan Laksaw Asnawi hindi isusuko ng MILF

WALANG plano ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isuko ang kanilang kumander at puganteng si Dan Laksaw Asnawi.

Sa panayam kay MILF vice-chairman for political affairs Ghadzali Jaafar, sinabi nitong hindi sumunod ang pamahalaan sa napagkasunduan nila kaya hindi maaaring pasukin ang teritoryo ng mga rebelde.

Dagdag niya, hindi nila isusuko si Asnawi dahil naniniwala silang hindi dapat litisin si Asnawi sa tradisyunal na judicial system ng bansa.

Nagbabala naman si Jaafar na handang lumaban ang MILF, sa oras na atakehin sila ng militar.

Nauna nang hiniling ng Malakanyang na isuko ng MILF si Asnawi upang masimulan na ang usapang pangkapayapaan.

Taong 2009 pa nakatakas sa Basilan Provincial Jail si Asnawi dahil sa pamumugot sa mga Marines noong 2007.

Si Asnawi rin ang nanguna sa engkwentro sa Al-Barka Basilan noong nakaraang buwan na kumitil sa 19 sundalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply