Dating propesor sa US, bagong Libyan PM

HUMAKOT ng pinakamaraming boto si Abdurrahim El-Keib sa ballot voting ng National Transitional Council (NTC) ng Libya para mahalal na interim prime minister ng nasabing bansa.

Si El-Keib, dating electrical engineering professor sa University of Alabama, ang magtatalaga ng mga bagong opisyal sa pamahalaan ng Libya bilang paghahanda na rin sa gagawing national elections.

Tiniyak ni El-Keib na sa loob ng dalawang linggo ay magkakaroon ng bagong gobyerno ang Libya na siyang mangangasiwa sa pagbalangkas ng kanilang bagong Konstitusyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply