Daycare center, library itatayo sa Parola

HINDI matawaran ang kaligayahan ng mga residente ng Parola matapos na ihayag ni Manila Mayor Alfredo Lim na isang daycare center at library ang itatayo ng isang Japanese at Malaysian Organization sa lugar para sa mga mahihirap na residente rito.

Kasama ni Lim sa ginanap na   ground-breaking ceremony sina chief of staff at media bureau director Ric de Guzman, city engineer Armand Andres, mga director ng city-run hospital na kinabibilangan nina Dr. Teodoro Martin (Jose Abad Santos General Hospital), Dr. Jun Cando (Ospital ng Tondo), Dr. Edwin Perez (Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center), Dr. Marlon Millares (Ospital ng Sampaloc) at Dr. Mario Lato (Ospital ng Sta. Ana).

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Lim ang mga opisyal ng  Lions Club International Foundation (LCIF) na pinangungunahan ni Manila Lions Club president Candy Pua at kalihim na si Rey Oriel kung saan kasama din ang mga Japanese counterparts, sa pangunguna ni  Tokyo Lions Club president Kazuo Yamamoto at secretary Koki Moritoki sa pagbibigay ng tulong upang maipatayo ang daycare center at library na makatutulong ng malaki para sa pag-aaral ng mga bata  sa Parola Compound.

“Nakikita nating lahat ang pagmamahal ni Mayor Lim sa mga nangangailangan at ang dami ng kanyang ginawa at ginagawa pa para sa mahihirap kaya dapat lamang na siya ay tulungan ng mga private individuals.  Kami ay nagpapasalamat sa ibinigay niyang pagkakataon na makatulong din kami sa mga taga-lungsod,” ani Oriel. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply