De Lima handa na maglabas ng ADO kay GMA

NAKAHANDA na si Justice Secretary Leila de Lima para maglabas ng Allow Departure Order (ADO) para sa pagpapagamot ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa ibang bansa.

Batay sa panahayg ni De Lima nakahanda na umano siyang magdesisyon kaugnay sa hirit ni Ginang Arroyo na makapagpagamot sa labas ng bansa o Allow Departure Order (ADO).

Ayon sa kalihim posibleng bukas o sa Miyerkules niya ilabas ang kaniyang desisyon hinggil sa ADO ni Arroyo.

Nilinaw din ni De Lima na walang basehan ang alegasyon ng mga kritiko na may halong pulitika kaya dine-delay ang pagpapalabas nito ng desisyon.

Sinabi pa ni De Lima na nag-iingat lamang siya dahil kailangang timbangin ang magkasalungat na interes o karapatang bumabalot sa pagbibigay ng ADO kay Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply