De Lima handa sa kasong contempt na ihahain ng Arroyos

NAKAHANDA si Justice Secratary Leila e Lima sa kasong Contempt na ihahain sa kanya ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ang kanyang sinabi sa isang panayam.

Ang pahayag ni De Lima ay may kaugnayan sa pagharang niya sa mag-asawang Arroyo ng malakabas ng bansa noong Martes ng gabi sa NAIA.

Iginiit pa rin ni De Lima na hindi dapat agad nagpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na kumukwestiyon sa watchlist order na inilabas ng kanyang ahensya laban sa dating First Couple.

Ani De Lima sa ginawa ng Korte Suprema ay para na rin nilang tinuldukan ang lahat sa kabila ng may nakatakda pang oral argument sa Martes ( Nobyembre 22).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply