De Lima hindi papalag sa aresto

NAGHAHABILIN na si Justice Sec. Leila de Lima sa kanyang mga staff para handa ang mga ito sakaling lumala ang sitwasyong kinasusuungan.

Ayon sa DoJ insider, nagbilin pa aniya si De Lima sa mga tauhan na sakaling may dumating na tao sa DoJ para arestuhin siya ay walang papalag.

Nakahanda aniya kalihim na sumama sa sinumang aaresto sa kanya kung sakali.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod na rin ng mga balita na posibleng mapatawan siya ng indirect contempt sakaling patuloy na labagin ang inilabas na TRO ng Korte Suprema.

Ang sinumang mapatawan ng contempt ay pagmumultahin ng P30,000 at pagkabilanggo ng hanggang anim na buwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply