De Lima: Kondisyon ni GMA dapat malaman ng publiko

NARARAPAT lamang na maisapubliko  ang tunay na kondisyon ng kalusogan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arrroyo dahil lalo na kung nakakapekto sa kasong kinakaharap niya ngayon.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila De lima kung saan hindi naman aniya absolute ang doctor-patient privilege lalo pa nga at ang kondisyon ng dating Pangulo ay maituturing din na isang public interest.

Ayon sa kalihim, may mga umiiral na kuwalipikasyon sa korte sa pagpapatupad ng confidential rule katulad nang kahihiyang maaring kahihinatnan ng isang pasyente.

Ang sakit na gonorrhea o syphilis at iba pang sexually transmitted disease o STD ay ang mga itinuturing na sakit na makapaglagay sa pasyente sa matinbding kahihiyan at dito ipinaiiral ang nasabing confidentiality rule.

Subalit ayon sa kalihim, ang kaso ni GMA ay hindi lamang simpleng usapin kaya naman mahalaga ang testimonya  sa korte ng kaniyang mga doctor upang malaman kong delikado na nga ang kanyang kanyang kalusugan o life threatening na ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply