De Lima maaaring ma-contempt– Enrile

PWEDENG ma-contempt of court si Justice Secretary Leila de Lima at ang Bureau of Immigration (BI).

Ito ang binigyang diin ni Senate President Juan Ponce Enrile makaraang pigilin ni De Lima at nabanggit na ahensya na makalabas ng bansa sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating first gentleman Mike Arroyo kagabi (Nobyembre 15).

Ani Enrile, pinigilan nina De Lima ang pag-alis ng mag-asawang Arroyo sa kabila ng temporary restraining order na inilabas ng Supreme Court kaugnay sa travel ban na inisyu ng Department of Justice laban mag-asawang Arroyo.

Sinabi ni Enrile na wala nang hadlang para makabiyahe palabas ng bansa ang mag-asawang Arroyo.

Giit pa ni Enrile na sa ilalim ng Saligang Batas karapatan ng sinumang Filipino na lumabas ng bansa.

Paliwanag pa ng Pangulo ng Senado, hindi naman makapagtatago ang taong may seryosong karamdaman at may brace pa ang buong katawan.

Una rito, kinuwestiyon sa pamamagitan ng consolidated motion for reconsideration sa SC ng DOJ at Office of the Solicitor General ang ipinalabas na TRO ang pagharang sa umiiral na watchlist order ng kagawaran laban sa mag-asawang Arroyo.

Sa 37-pahinang mosyon, iginiit ng DOJ ang kanilang mga dahilan kung bakit hindi dapat na pahintulutan sina dating Pangulong Gloria Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo na makalabas ng bansa.

Partikular na iginiit nina De Lima at SolGen Anselmo Cadiz na ang karapatang bumiyahe ay hindi umano absolute.

Dagdag pa sa mosyon na sa pamamagitan ng TRO ay halos nadesisyunan na ang naka-pending na kaso at ang proceedings sa iba pang aspeto nito ay mistulang mababalewala na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply