De Lima nakahanap ng kakampi

NAKAHANAP ng kakamapi si Justice Secretary Leila de Lima kaugnay sa pagpipigil sa mag-asawang Arroyo na lumabas ng bansa.

Ayon sa pahayag ni Dean Amado Valdez ng University of the East (UE) College of Law na isang eksperto sa batas, tama ang ginawa ni de Lima na pigilin ang mag-asawang Arroyo na makapuslit palabas ng bansa.

Kasuhan man daw ng contempt si de Lima, may katwirang puwedeng ipaglaban ang kalihim.

Naniniwala rin si Valdez na dapat munang alisin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) dahil ilang araw na lang naman ang kailangang hintayin bago resolbahin sa oral arguments ang legalidad ng hold departure order (HDO).

Sa ganitong paraan, maiiwasan daw ang banta ng Constitutional crisis. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply