De Lima sa mga Arroyo: ‘Wag gumawa ng eksena’

“ALAM ng mga Arroyo na hindi sila makaaalis kagabi papuntang ibang bansa kahit ano pa ang kanilang gawin dahil mayroon pa silang nakabinbin na isang watch list order na inilabas ng Department of Justice.”

Ito ang ipinahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na inako rin ang buong responsibilidad sa pagharang ng Immigration officials sa pamilya ni dating Pangulo Gloria Arroyo para hindi makasakay ng eroplano papuntang Singapore kagabi.

Kumbinsido rin si de Lima na gumagawa lamang ng eksena ang pamilya Arroyo para kaawaan ng publiko at ma-divert ang isyu sa kalagayan nito at makalimutan ang mga kasong dapat ay kahaharapin nito.

Inamin naman ng abogado ni GMA na si Atty. Lambino na dumaan sila sa departure area ng NAIA Terminal 1 para kaawaan ang kalagayan ng dating Pangulo, pero nangakong hindi na iyon mauulit.

Kagabi ay dumating sa NAIA Terminal 1 sina GMA kasama ang kanyang mister na si Mike at anak na si Mikey para umalis patungong Singapore matapos panigan ng Supreme Court ang kanilang motion for reconsideration sa Temporary Restraining Order na inilabas naman ng DoJ.

Ngunit pagdating sa Immigration area ay may kumuha sa kanilang pasaporte para umano sila asistehan pero makaraang makaalis ang sasakyan sanang eroplano ay ibinalik din sa kanila ang mga iyon.

Kakasuhan naman ng contempt si de Lima sa ginawang pagsuway sa utos ng Hukuman na hayaang makalabas ng bansa ang pamilya Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply