De Lima tinawag na ignorante sa batas

BUKOD sa pagiging matigas ang ulo ay sinabihan din na ignorante sa batas si Justice Secretary Leila de Lima matapos pigilan nito ang mag-asawang Arroyo na maka-alis bansa sa kagabi (Nobyembre 15) kahit na may temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Korte Suprema.

Sinabi ni Sen. Joker Arroyo, malinaw ang naging desisyon ng Korte Suprema at sapat na ang ginawang pag-aanunsyo ng Korte sa publiko para sundin ito at ipatupad.

Anang senador, matapos na harangin ni De Lima ang pag-alis ng mag-asawang Arroyo ay tila namemersonal na ito.

Aniya pa, tahasang nilabag ng kalihim ang batas partikular na ang bill of rights at human rights.

Ipinaliwanag ng senador, ang bill of rights at human rights ay para sa lahat, hindi lamang para sa mga mabubuting tao kundi kapwa para sa mabuti at masama, mayaman o mahirap at maging sa laya o nakakulong na indibidwal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply