De Lima sinisisi pa rin sa kawalan ng kaso ni GMA

SA GITNA ng kaliwa’t kanang batikos na tinatanggap ni Justice Secretary Leila de Lima, isang kongresista ang sumaklolo at naghain ng isang panukalang batas.

Ito ay matapos na lantarang isnabin ni de Lima ang TRO na inisyu ng Supreme Court bilang pagpayag na makapagbiyahe ang dating pangulong Arroyo at makapagpagamot sa  ibang bansa.

Isinulong ni Marikina Rep. Ramiro Quimbo ang panukalang batas na naglalayong bigyan
ng kapangyarihan ang kalihim ng Department of Justice na mag-isyu ng hold departure,
watchlist at allow departure order.

Nasasaad sa House Bill 5480 ni Quimbo na mabigyan ng garantiya at karapatan ang DOJ Secretary na agad mag-isyu ng HDO laban sa isang akusado na sumasalang sa preliminary investigation para hindi makalabas ng bansa.

Sa kasalukuyang batas, tanging ang isang “competent court” ang maaaring makapag-isyu ng HDO kapag ang isang akusado ay may nakahaing kaso sa korte.

Banggit pa ni Quimbo na hangga’t hindi malinaw ang pagsasabatas ay maaari aniyang abusuhin ng department order ng DOJ ang kapangyarihan sa paghihiganti o pamumulitika gaya ng umano’y ginawa ng administrasyong Arroyo nang ipalabas ang kautusang ito.

Ang panukala ni Quimbo ay kasalungat naman ng panukala ni House Minority Leader Edcel Lagman kung saan iginiit naman ng oposisyong kongresista na ipaubaya sa mga korte ang
paglalabas ng HDO depende kung may nakitang probable cause sa isang akusado.

Samantala, sinisisi naman nina Anakpawis Rep. Rafael Mariano at Raymond Palatino ang Malakanyang kung bakit nakakuha ng paborableng desisyon si Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa Korte Suprema.

Masyado raw kasing mabagal ang administrasyon sa paghahain ng kaso laban sa mga Arroyo.

Katunayan, halos 500 araw na aniya sa Malakanyang si Pangulong Aquino ay wala pang naisasampang kaso kaugnay ng diumano’y talamak na korapsyon, human rights violations at pandaraya sa eleksyon sa ilalim ng rehimeng Arroyo.

Kinukwestyon ng mga mambabatas ang Malakanyang kung bakit tila ngayon lang naghahabol
ang mga tauhan ni Pangulong Aquino gayung matagal na nilang hawak ang mga ebidensya.

Sinuportahan naman ni BayanMuna Rep. Neri Colmenares ang hakbang ng gobyerno na humanap ng lahat ng legal at administrative remedies para mapigil ang paglabas ng bansa ng mag-asawang Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply