De Lima tutol sa house arrest ni GMA

TUTOL si Justice Secretary Leila de Lima na isailalim sa house arrest si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos na ihayag ng kanyang mga doktor na maaari na itong tratuhin bilang out patient dahil sa pagbuti ng kalusugan nito.

Kung ganoon aniya, sinabi ni De Lima na mas mabuti nang mailipat sa isang government facility ang dating Pangulo.

Isusulong rin ng Commssion on Elections (Comelec) ang naturang hakbang para kay Ginang Arroyo.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brilliantes, dapat na ilagay si Gng. Arroyo sa isang government hospital matapos igiit ng mga abogado nito ang house arrest.

Ani Brillantes, walang kontrol ang korte kapag ang isang akusado ay nasa pribadong ospital o kaya naman ay naka-house arrest.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply