De Lima ‘vindicated’ na sa batikos

MATAPOS ang “legal battle” na pinagdaanan sa Korte Suprema at sa nangyari kaguluhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay itinututuring naman ng Malakanyang at ni Justice Secretary Leila de Lima na “vindicated” na sila sa mga batikos.

Ito ay matapos na maisilbi ang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na inisyu ng Pasay Regional Trial Court kaugnay sa kasong electoral sabotage noong 2007 election.

Sinabi ni De Lima na hindi madali ang kanilang pinagdaanan nitong nagdaang araw kung saan naharap siya sa pagkaka-contempt sa Korte Suprema .

Ayon pa sa kalihim, maipapalaiwanag na ngayon kung bakit puspusan ang ginagawang pagpigil kay GMA na makaalis ng bansa .

Ngayon ay mauunawaan na rin umano ng sambayanan kung bakit ipinaglaban nila ang watchlist order (WLO) para sa hustisya at accountability. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply