Deadma na sa isyung Shaina at John Lloyd!

MASIGLA at mukhang refreshed si Ruffa Gutierrez sa muling pagbabalik niya last Sunday as one of the hosts ng showbiz talk show ng TV5. Nang makakuwentuhan namin, na-enjoy daw niya talaga ang kanyang recent trip abroad.

“I had a good time sa Las Vegas at sa L.A.

“First time ko sa Las Vegas para manood ng Pacquiao fight kaya talagang na-excite ako kaya gusto ko nang gawin lagi iyon na manood ng bawat laban ni Pacman.

“So… ayon. Nakapagpahinga rin ako nang konti pero very short lang, e. Halos 6 days lang ako nawala.”

Alam ba niya na marami ang nawindang sa tell all interview sa kanya ni Mo Twister tungkol sa isyu sa kanilang tatlo nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz? May mga nakagugulat kasi siyang rebelasyon lalo na sa mga first time na pagdidetalye niya ng lahat-lahat kaugnay ng naging relasyon nila ng young actor dati hanggang sa pagtatapos nito.

“Naku, kung anuman ‘yong mga nasabi ko, iyon na ‘yon.  Ayoko nang mag-expound pa ro’n.

“And I’m sure it was very clear. And, uhm… kung anuman ‘yong mga nasabi ko, iyon na ‘yon.”

Wala ba namang naging reaksiyon pa ang kampo nina Shaina at John Lloyd hinggil dito. Wala rin ba siyang tawag o anumang text message na na-receive pa mula sa dalawa?

“Wala na. Tahimik na lahat,” nangiting sabi pa ng actress-TV host.

Kumusta naman si Batman ng buhay niya?

“Alam mo, never naman talaga akong naging open sa aking personal life. It just so happen na that time, I just want to clear it and justify the fact na… wala na siya (John Lloyd) sa buhay ko.

“Na… may mga iba nang nanliligaw. May mga iba nang nakapaligid sa akin. So…walang dapat alalahanin ang kung sinuman.”

So… secretive na naman nga siya when it comes to her lovelife?

“Always naman akong naging secretive, ‘noh?

“At saka si Batman, hindi naman tinanggal ‘yong mask niya. May mask pa rin siya,” natawang sabi pa ni Ruffa.

Gaano pa katagal bago ma-unmask ang kanyang sariling Batman?

“I’m going through an annulment. So kailangan talaga maging tahimik muna ang lahat.

“Pero you know, siyempre may mga taong umaali-aligid nang konti. But for me, nakapapagod na rin.

“’You know… para sa akin, kung nandiyan… nandiyan. You know… if they make you happy, then it’s okay.

“But once they started giving you problems, you should erase them from your life.  Kasi life is too short and I have two little girls (her daughters Lorin and Venice) that I have to be accountable for.

“Sila ‘yong main priority ko.”

Masasabi ba niya nang diretsahan na hindi magiging malamig ang Pasko niya ngayong taon na ito?

“Malamig na malamig kasi nasa New York at L.A. kami ng buong pamilya!” natawa ulit na sabi ni Ruffa.

“It’s gonna be snowing there!

“Pero in terms of embraces e magiging warm naman kasi kapiling ko sina Lorin and Venice.”

May communication na ba sila ulit ngayon ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas? Nagpaparamdam ba sa kanya ito lately?

Pabiro ang sagot niya na…“Ay, ang feeling ko kailangang magparamdam na ako sa kanya ngayon para mahanap na si Ramona (Bautista, isa sa suspect sa pagpatay sa kapatid nito na si Ramgen Revilla na balitang nasa Cyprus na)! Ha-ha-ha!

“Kasi… naisip ko lang, when they said that she (Ramona) escaped to Turkey talagang… naloka lang ako talaga!

“Kasi, kahit papano… nando’n pa rin ‘yong Yilmaz factor.

“And sinabi nilang walang extradition treaty (between the Philippines and Turkey) so talagang… it goes to show talaga na tama ‘yong desisyon ko.

“Na kailangan si Yilmaz ang bumisita rito at hindi kami (ng kanilang dalawang anak) ang pupunta roon (sa Turkey ).

“Kasi hindi na ako mahahanap!

“Baka mamaya ilagay n’yo… asan na si Ruffa Gutierrez? Ha-ha-ha! Nawawala na siya!” ending na biro pa ni Ruffa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply