Death penalty isinusulong ng 2 mambabatas

ISINUSULONG ng dalawang mambabatas ang pagpapataw ng death penalty sa mga dayuhang nahatulan kaugnay sa drug charges.

Ito ang nakasaad sa House Bill 4510 na iniakda ng magkapatid na sina Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Partylist Rep. Maximo Rodriguez.

Ayon sa magkapatid na Rodriguez, layunin nilang  ma-amyendahan ang Republic Act 9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Iginiit ng dalawang mambabatas na mahalagang maayemdahan ang RA 9165 upang maparusahan ang mga foreign drug syndicates hindi lamang life imprisonment o habambuhay na pagkakakulong kundi parusang kamatayan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply