Demolisyon sa BIR Road naging marahas

NAGING marahas ang demolisyon na isinagawa sa BIR Road, Barangay Central, Quezon City matapos lumaban ang mga residente sa demolition team ng Q.C. City Hall kaninang umaga.

Ayon sa ulat ni SPO1 Randy Kitan radio operator ng Quezon City Police District station 10 Kamuning dakong 11:40 ng umaga nang umulan ng mga bato at pillbox sa lugar nang sisirain na ng demolition team ang mga bahay.

Nabatid na isang matandang lalaki na hindi pa nakikilala ang nasugatan na tinamaan ng bato sa ulo na agad namang naisugod sa pagamutan.

Inaresto naman ang isang lalaki ng mga tauhan ng QCPD matapos mahuli na nambabato ng pillbox habang nagaganap ang kaguluhan.

Ayon sa ulat, mariing tinututulan ng mga residente ng BIR Road, ang pagdemolis sa kanilang mga bahay at ang relokasyon sa Montalban, Rizal dahil sa kawalan umano ng hanapbuhay sa naturang lugar.

Idedemolis sana ang mga residente sa naturang lugar para bigyang daan ang proyekto ng lokal na pamahalaan na Central Business Center na nakatakdang itayo sa BIR Road, Agham Road, patungong Elliptical Road, ng lungosd.

Habang sinusulat ang balitang ito patuloy pa rin ang tensyon sa magkabilang panig.

Samantala, isinara ang isang linya ng BIR Road  na nasa east side matapos barikadahan ng mga residente ang naturang lugar para hadlangan ang demolition team.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply