DepEd: May pasok na sa Nobyembre 3

NAGPAALALA ang Department of Education (DepEd) na sa Huwebes (Nobyembre 3) babalik ang regular na klase sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school matapos ang paggunita sa Undas.

Ito ang paglilinaw ng DepEd sa harap ng mga kalituhan na may pasok na sa eskwelahan bukas, Nobyembre 2.

Inulit ng DepEd na nakatakda mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 2 ang semestral break para sa mga estudyante at mga guro batay na rin sa official calendar of activities para sa school year 2011-2012.

Una nang inihirit ng Teachers Dignity Coalition sa DepEd na klaruhin ang petsa ng muling pagbubukas ng klase matapos ang Undas sa harap ng mga ulat na pinapapasok na ang mga guro bukas, Nobyembre 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply